Thursday, February 5, 2015

My Diana Stalder Journey | Challenge Accepted!

Posted by Misis Nikole  |  at   1:35 PM No comments


Picture: Yan yung huling full dinner date (rice galore) namin ni Mister :-)

Nakakaloka! This is it! Gusto ko na to! Those were my words when I was introduced to this programme, the Diana Stalder Ideal Protein Diet. Scared ako at first kasi baka hindi ko keri at akala ko rin totally walang lafang. Also syempre dahil gusto na rin namin magka baby like hello I am 30-ish na haha! Bit anyway syempre I wanted to be healthy rin for myself diba kawawa naman baby kung darating na sya eh sakit sakitan naman ang nanay nya. So anyway super mega preparation ako before ako nag full go na akapin ang lifestyle na ito, kailangan kaya kong panagutan.

And so I did, my first day is now up, sana subaybayan (teleserye ba? Haha!) at samahan nyo ako sa journey na ito... Medyo mahirap pero kakayanin at kaya magtatagalog na lang muna kasi mag aadjust pa ang utak ko sa walang kanin, so galit galit muna sa mga baby fats ko (baby pa rin?!) 

FYI: I always loved my body, my family loves me, my friends supports me and my mister accepted me for who I am. Pero hindi ako magpapa slim down just because gusto ko lumevel kanila kim chiu at kathryn bernardo ganyan, hanggang dun lang ako sa ideal weight na dapat pasok sa napaka cute kong height. I was told over and over ng doctor ko na i need to trim down para magka baby na rin, nung una deadma, pero this time and sana hindi pa late na ayusin ang eating habits ko and maybe acceptance na hindi lang dapat puro ganda at sense of humor, dapat healthy rin para mas happy haha tama o mali? Tama!

At sa acceptance nito kaagapay ang pag accept (puro accept) ng challenge na ito. Hindi ito madali as in hindi! Dahil ang motto ko noon "kanin lang ang tunay na pagkain" yun talaga ang ni let go ko, pati kung ano ano'ng excuses na bka mahilo ako at walang magbalak magbuhat sakin pra hatakin na lang ako para itabi sa side walk haha! This is me, ito na siguro pinaka comfortable kong kwento dito sa blog ko yung makulit na ako, yung totoong estado ng buhay ko, saka na ulit ang englishan for now enjoy reading sana may nagbabasa nga netong pagdadaanan ko and wish me luck! Bawal mag tag ng mga #food photos sa IG ha! Hoooy wag ganun hahaha! 

Thanks!

About the Author

A chubby blogger who enjoys life and lives a life on the plus lane. A wife who is hoping and praying to be a mother soon. A positive person who still believes in the goodness of humanity.

Follow me and my adventures:
Facebook: fb.com/chubbychitchat
Instagram: MisisNikole
Twitter: @MisiNikole

Get Updates

Subscribe to our e-mail newsletter to receive updates.

Share This Post

Related posts

0 comments :

back to top