Wednesday, June 17, 2015

LizQuen for Just The Way You Are; A Movie Review with Zero Spoilers

Posted by Misis Nikole  |  at   6:34 PM No comments





Just The Way You Are, this movie is worth your time and money, as in! 

To start with, two new refreshing faces on the big screen, so fresh that both lead stars Enrique Gil and Liza Soberano known as #LizQuen doesn’t need layers of make-up. Their beautiful faces would instantly give good vibes to every movie goer, would make you feel relaxed after maybe a long day at work or school and… ok enough of the formality, here’s my real take on the movie!

At first I was hesitant, feeling ko kasi since their recent Teleserye, Forevermore just finished, eh baka the movie was minadali, oh but I was super wrong, walang hint ng Maria Agnes Calay and Alexander Grande III and movie na ito. Nahihirapan akong magkwento kasi parang ang ganda ng buong movie, although given na yung story is about a certain bet, pero ang mga eksena palong palo! Super bumagay sila sa mga characters nila pati na ang buong cast. Hindi ako mga chichika ng mga eksena at baka masira ko ang mood nyo to watch atska ayoko ma bash na spoiler lol! 

Ang saya ng casting, ang gaan lang, super nakaka happy si Ms Yayo Aguila, nakakaaliw yung ganitong mudrakels, super happy lang sya. Next is si Yves Flores, iba rin naman ang bagets na to oh! Panalo rin ang mga pasok nya at mga linya nya and his acting has improved, parang sa generation nila he could be like Joross Gamboa, on the sideline lang pero maaalala mo sya after ng movie, tatatak din naman sya at mahahapyy ka rin sa mga pinag gagagawa nya sa pelikula. Sila so far yung talagang tumatak sakin sa movie aside from of course Enrique and Liza.

Grabehan, sobrang galing Liza Soberano, yung mga eksena nya na umiiyak, ma fi-feel mo talaga yung hurt nya, this goes to prove na she’s not just a pretty face, may laman sya umiyak, hindi pinipilit lumuha, may hikbi, nakaka connect sya sa audience in terms of her feelings sa movie. For quite some time, ngayon lang ulit ako nadala at napaluha sa isang eksena, and this was because of Liza. Pero di rin naman sya papakabog sa mga pagpapatawa at pagpapakilig, they really have the absolute chemistry, sila ni Enrique.

And of course, Enrique is mahusay naman na talga sa actingan but dito sa movie he showed his pagpapakilig kind of acting and based sa review ko on my IG account last night (@MisisNikole) my gosh magbaon talaga kayo ng rice, kasi uulamin nyo sya dito ng bongga! Pero super bagay nya ang mga pagpapa cute nya dito, hindi pilit, macho gwapito talaga and mamahalin nyo sya after.



My take on why this Breakthrough love team has clicked:
1)      From Forevermore, they already captured the hearts of their audiences. If before ang mga Teleserye ay para sa mga mudrakels lang, oh well this time even mga father, ate, kuya and actually buong household na capture nila, this is not my made up story ha, my Mister thinks Teleserye’s were corny, and stories are just the same, but everything changed when Forevermore started. Also, Fanboys were born, madaming umamin na lalake na fans sila of both Liza and Quen, in my circle of friends Forevermore was dubbed as ang Teleserye ng mga tunay na lalake, so see na capture talaga nila ang hearts ng halos lahat ng age demographics.

2)      Fresh faces, hindi nakakasawa, hindi natatabunan ng make-up at hindi lang maganda at gwapo dahil may make-up. Super bagay in all aspects and because they already built a very good friendship, super comfortable na sila on screen. And the nose, diba ang tatangos ng ilong, for me ha, sila talga ang cute na mag nose to nose, nakaka tusok sa tangos!

3)      Superb acting, super normal and no inhibitions at all. Maybe because they are so comfortable with their own self that they are not afraid magpapa panget or maging nakakatawa sa movie, feeling mo kabarkada mo sila kasi nga ang normal lang, maybe working with these two was just a breeze, parang ang gagaan kasama sa work.

4)      Humble. I heard and read a lot about how the two are super down to earth.  Quen is super friendly and chill lang and hindi sya pa pogi effect and as a blogger na experience ko rin ito na nakakaalala sya ng mga tao, kumbaga pag may nakilala sya na members ng bloggers talagang kinikilala nya, bihira kasing may artista na nakaka alala or nakaka recognize sa mga kagaya naming mga bloggers, he may not know my name pero he says hi whenever I see him sa outside showbiz events. And Liza naman, palaging may “po” makipag-usap, hindi mo masasabing pinilit lang kasi you can’t do that unless innate talaga sa isang tao ang pag galang, hindi sya napa practice overnight right? Super humble ni Liza and Quen and I hope hindi sila kainin ng systema ng showbiz.

5)      Mature sila sa mga eksena nila, to think Liza is only 17 but she doesn’t think na kailangan tweetums sya dahil nga 17 lang sya, she is currently being tagged as parang Bea Alonzo of her generation, of course walang papalit kay Bea pero parang ganun ang dating ni Liza and syempre this is the start of building her own career as an actress. Syempre Quen has been loved by so many and never din naman syang nagpa tweetums, he was just being true to himself. And both are super thankful, hindi sila nakakalimot mag thank you palagi and magpakatotoo sa harap at likod ng camera.

Congratulations to the whole team of Just The Way You Are and of course Direk Theodore Boborol, such a great story teller, all of these good scenes were brought to life because of you.
I know you might not be fully convinced that watching this movie will be worth your time and money, but give it a try, I assure you that you’ll come out of the cinema in a good mood and maybe so in love. Tag your friends, family, jowa and asawa, iba talaga ang LizQuen kaya sa kanila ako eh (wink)

Watch the Premiere Night videos here: Just The Way You Are Grand Premiere Night
More photos on Facebook
Follow me for updates on Twitter and IG: @MisisNikole

About the Author

A chubby blogger who enjoys life and lives a life on the plus lane. A wife who is hoping and praying to be a mother soon. A positive person who still believes in the goodness of humanity.

Follow me and my adventures:
Facebook: fb.com/chubbychitchat
Instagram: MisisNikole
Twitter: @MisiNikole

Get Updates

Subscribe to our e-mail newsletter to receive updates.

Share This Post

Related posts

0 comments :

back to top