Monday, September 2, 2013

Melai Cantiveros pregnant with Jason Francisco?

Posted by Misis Nikole  |  at   7:46 AM No comments

This has been all over Twitter world, although no confirmation yet from the couple, having a baby is a blessing. If this is true, I wish Melai a healthy pregnancy and for Jason to be a good provider. Let's just be happy for them and wait for their official announcement. Good day!

Source: OgieDiaz.net 

Hindi pa makapaniwala ang iba.  Buntis nga ang 25-year old na si Melai Cantiveros courtesy of her boyfriend na si Jason Francisco.  Kung ilang buwan?  Ayon sa source ko,  mga 2 months na raw ito. courtesy: Google Images
       Ang sabi, made in Singapore nu’ng nagte-taping sila ng KrisTV.  Eh, di ba, favorite silang dalawa ni Kris Aquino?  Kaya ayun na nga,  nakabuo na rin sila, finally.

       Ang isa pang tsika ng aming source, nagsa-shopping ang magdyowang JLC at Angelica Panganiban nu’ng tumawag si Melai para ibalita sa kanyang best friend na si Tweeny (si Angelica) na buntis siya.

       Mixed emotions daw itong si Angelica, dahil hindi malaman nu’ng una kung matutuwa o maiinis sa ibinalita ni Melai.  Kasi nga, buwisit daw ito sa boyfriend ni Melai na si Jason, dahil nga andami na ring trouble na pinasukan ni Jason at lagi na lang inuunawa ito ni Melai.

       Pero wala naman daw magawa si Angel, dahil mahal talaga ni Melai si Jason, eh. Ilang tao na rin sa “Banana Split” ang naaawa dito kay Melai sa diumano’y pinaggagawa ni Jason sa sarili na pinagpapasensiyahan lang ni Melai.

      Nariyang sa sobrang inlove ni Jason kay Melai ay minsan na ring naghiwa ng blade sa mukha at sa braso ‘yung lalake para lang patunayan na mahal nito si Melai at sobrang seloso daw ito.

      Dumating pa sa point na maging si John Prats ay talikuran nitong sinapak sa mukha nu’ng rehearsal ng Banana Split sa Music Museum na aabot pa sana sa demandahan kung hindi pa nag-public apology si Jason na nagsabing nabigla lang siya, dahil feeling nito ay inookray sa umpukan ng magbabarkada ang girlfriend niya.

     Nawalan ng work si Jason, kaya ayon sa source, ‘yun din daw ang inaalala ni Angel, dahil si Melai lang ang kumakayod sa dalawa at heto’t ilang taping na rin ng “Banana Split”  hindi sumisipot si Melai.

     ”Nu’ng Banana Split na lang ang show ni Melai dahil natapos na nga ang ‘Apoy Sa Dagat, sa condo yan dati umuupa eh, ayun, bumalik na rin sa napanalunan niyang bahay nu’ng Pinoy Big Brother na sa Binangonan pa yata ‘yon o sa Valenzuela?

     ”Pinapatira nga ‘yan ni Angel sa condo niya sa Libis, pero nahihiya si Melai, kaya bumalik na lang sa napanalunan niyang bahay.  Feeling ko nga, nahihiya rin si Melai na tumira sa condo ni Angel, dahil alam din ni Melai na wa feel ni Angel si Jason, kaya back to old house na rin siya.

      “Saka nagli-live-in na sila, alam ko eh.  Ewan ko kung tutuparin ni Jason na mag-seaman na lang para makapagtrabaho, kung wala din naman siyang work sa ABS-CBN.

     ”Basta sabi ni Melai, happy naman siya at hindi niya pinagsisisihan kung nabuntis man siya kahit pa nga siya din ang breadwinner ng family niya sa GenSan.

       ”Kaso nga lang, paano makakapagtrabaho eh buntis nga?  Eh, di magagalaw na ‘yung ipon niya habang dapat sana’y naghahanap na ng trabaho si Jason, di ba?” sey pa ng friend ni Melai.

       Sa mga tweets na natatanggap namin ay haping-happy naman ang followers ng tambalang Melason sa balitang ito.  Matutupad na rin daw ang dummy baby nila noon sa loob ng bahay ni Kuya na tinawag nilang “Dengue.”

        “Matutuwa ka na rin dito kay Melai, kasi, sobrang mahal niya talaga si Jason.  Kahit pa sabihin ng mga kaibigan niyang ”Yang barumbado mong boyfriend!’ ay sasalagin naman ito ni Melai ng, ‘Uy, ah, ‘wag naman. Mahal ko naman yung lalaking ‘yon.  Hayaan n’yo na, happy naman ako!’

      “At kahit ngayong buntis siya,  ’yun ang pakiusap niya, ‘Kung mahal n’yo ako, maging happy na lang kayo for me, please?’”

        Puro galing ang impormasyon sa ilang nakausap naming kaibigan at wala pang kumpirmasyon mismo kay Melai o kay Jason.

       Feeling ko naman, hindi nawawalan ng pag-asa si Melai na mababago pa ni Jason ang sarili, lalo na ngayong magkakaanak na sila.  At ito rin ang “challenge” kay Jason para patunayan niya sa kanilang mga kaibigan na sumama ang loob sa kanya na kaya pa rin niyang bumangon, makabawi at magbago para sa kanilang anak.

About the Author

A chubby blogger who enjoys life and lives a life on the plus lane. A wife who is hoping and praying to be a mother soon. A positive person who still believes in the goodness of humanity.

Follow me and my adventures:
Facebook: fb.com/chubbychitchat
Instagram: MisisNikole
Twitter: @MisiNikole

Get Updates

Subscribe to our e-mail newsletter to receive updates.

Share This Post

Related posts

0 comments :

back to top