Wednesday, April 1, 2015

Karelasyon | What Relationships Are Made Of

Posted by Misis Nikole  |  at   10:37 PM No comments



Hindi lang puro sarap at ligaya ang hatid ng pakikipag-relasyon. Parte rin nito ang mga tukso at pagsubok na susukat sa katatagaan at katapatan ng pagsasama.

Ngayong Abril, ihahandog ng GMA Public Affairs ang bagong drama anthology na maglalahad ng totoong karanasan ng mga magkarelasyong nagkaron ng matinding hamon sa pagsasama.
Mga problema gaya ng pagkakaroon ng kabit; lihim na pagkatao; sobrang selos, ambisyon o bisyo,; problema sa pamilya o katrabaho; obsesyon sa sex, pera o materyal na bagay.
Sa pamamagitan ng mga pagsasadulang pagbibidahan ng mga Kapuso Stars, at sa panulat at direksyon ng mahusay na independent film writers and directors, ipapakita sa “Karelason” kung anong hirap, sakit, kontrobersya o trahedya ang pinagdaanan at hinaharap ng ilang kababayan natin nang dahil sa pag-ibig!

Ang Kapuso actress/ TV host na si Ms. Carla Abellana ang magsisilbing tagapaglahad ng mga kwento… gaya ng storya ni “Minda” (Mylene Dizon), isang babaeng desperada nang magkaron ng kinakasama sa buhay kaya mabilis na nagtiwala kay “Daniel” (Mark Herras) na hindi niya gaanong kakilala. Anong pasakit ang ibibigay ng lalaking ito kay “Minda” kung saan magiging parte pa ng panloloko ang anak niyang bakla na si “Ryan” (Martin Del Rosario).  

Isa pang storyang tampok sa “Karelasyon” ay tungkol kay “Marlon” (Marco Alcaraz) na sobrang naging maligaya nang mapangasawa ang dream girl niyang si “Tere” (Valerie Concepcion).
Subalit unti-unting nagkaron ng lamat ang relasyon nilang dalawa dahil sa unti-unting pagbago ng itsura at pag-uugali ng kanyang asawa. Ano kayang pagpapabaya ang nagawa ni “Tere” habang lumalaki ang kanilang pamilya?

Matutunghayan din sa “Karelasyon” ang kwento ng mag-asawang sina “Lily” (Kris Bernal) at “Paul” (Rocco Nacino) na sa kagustuhang magkaron ng anak ay tinuring na pamilya si “Rowena”  (Karen Delos Reyes), isang disgrasyadang babaeng pumayag ipa-ampon ang ipinagbubuntis na anak kapalit ng pera. Pero kalaunan, higit pa sa salapi ang nanaisin niya, at ito ang magiging pagsubok sa katatagan at katapatan ng pagmamahalan ng mag-asawa.

Abangan ang mga storyang ito at ang aral na mapupulot mula sa mapait, makulay at kakaibang kwento ng mga magkarelasyon!
Abangan sa April 11, Sabado, sa GMA-7!

About the Author

A chubby blogger who enjoys life and lives a life on the plus lane. A wife who is hoping and praying to be a mother soon. A positive person who still believes in the goodness of humanity.

Follow me and my adventures:
Facebook: fb.com/chubbychitchat
Instagram: MisisNikole
Twitter: @MisiNikole

Get Updates

Subscribe to our e-mail newsletter to receive updates.

Share This Post

Related posts

0 comments :

back to top