Saturday, June 6, 2015

The MRT: Rides With Benefits

Posted by #MisterMisis  |  at   1:55 AM No comments



The Metro Rail Transit (MRT) is one of the not so many options for someone to go around the Metro, actually when it was doing good not so long ago, it was actually the best and fastest way to beat heavy traffic.

Nowadays, it is the most nakaka-iritang ride, nakaka late and nakaka stress, I find myself having to take the bus na lang kesa maghintay ng matagal sa precious train na hindi mo sure kung darating pa ba.

But anyways, may mga realizations lang ako, may benefits rin pala ang MRT rides natin everyday, paano?

1. Exercise
- Ito yung mga panahon na sira ang escalator (madalas namang sira) kaya need mong mag walk up and down and minsan nakiki run and race ka pa sa iba (may competition ang peg) para lang mahabol mo just in case may paparating nang train or if wala pa sige take your time, stroll by the beach ka na muna.

2. Patience
- It is really a virtue! Na eextend mo ang patience mo hanggang sa pinaka manipis at huling hibla na meron ka pa, pati leeg mo naka stretch na rin ng bongga kaka tanaw kung andyan na ba ang train. You can also apply your precious patience kapag rush hour kasi mag uumpisa ang stretching mula ibaba ng station kasi di na kayo puwede pumasok kasi puno na ng mga tao sa platform! (Nagbagal ka kasi kanina, mala walk by the beach haha!)

3. Faith
- Nagiging stronger ang faith mo, nagiging madasalin ka, may mga nagiging new found Saints ka, kung sino man pwedeng tawagin at hingan ng tulong at himala na sana umusad na ang pila, na sana madaming bumaba sa station mo para makapasok ka na, at na sana hindi ka mapagalitan sa pagka late mo. Just have faith! Walang bibitaw!

4. Stamina
- Hanggang saan kakayanin ng tuhod mo ang pagtayo? Ilang muscles mo na ba ang na develop? Yung gusto mo na hubarin yung shoes mo at mag paa paa ka na lang dahil masakit na talaga sya! 

5. Sense of Humor
- Finally andyan na yung train, hihinto tapos may bababa, mga tatlo, tapos makaka sakay lang isa, siniksik pa ni ate yung sarili nya with matching akap ng bag baka maipit ng door, nakakatawa!
- Minsan naman yung train lalagpas sa pila nyo, syempre lahat kayo susunod nakakatawa tingnan isang kumpol din kayong naka sunod haha!
- Ito gusto ko i- try, sa sobrang sikip nyo sa loob ng train, try nyo tumalon, pwede kayo maiwan sa ere, yun tipong mga nanalo sa basketball at binubuhat nila best player nila gets nyo? Naks pinaka matangkad ang aura nyo non plus mas may hangin pa from above (sabihan nyo ko pag nagawa nyo, nakaka excite kaya pag iniimagine ko haha) 

6. Activist
- Ito talaga madalas kong nagagawa, yung mga bigla na lang susulpot sa tabi mo eh nakita na ngang may pila, tapos pag sinita mo aba parang walang narinig  or iirapan ka pa. Pero di ako papa kabog, kapag dumating na yung train, haharangan ko sya, sasadyain kong mahihirapan syang maka singit tapos uulit ulitin ko yung "may pila teh, may pila, ate may pila oh" uulit ulitin ko parang sirang plaka, tapos mahihikayat yung iba na mag "oo nga, may pila etc." Success! Nabwisit ko na sya! Nagka welga na! Hahaha!

I-uupdate ko pa to in the long run, inaayos ko pa kasi category nya (gumaganun pa) for now ito na lang muna, naka relate ka ba? Kung may idadagdag ka pa go comment lang! The more the merrier!

About the Author

A chubby blogger who enjoys life and lives a life on the plus lane. A wife who is hoping and praying to be a mother soon. A positive person who still believes in the goodness of humanity.

Follow me and my adventures:
Facebook: fb.com/chubbychitchat
Instagram: MisisNikole
Twitter: @MisiNikole

Get Updates

Subscribe to our e-mail newsletter to receive updates.

Share This Post

Related posts

0 comments :

back to top