Thursday, June 25, 2015

#OOTDniMisis Tagaytay Trip #OOTDniMisis #WIW

Posted by Misis Nikole  |  at   3:59 AM No comments



This is my first OOTD post since I am kinda not comfortable with my baby fats (mga marse hanggang ngayon baby pa rin yung fats hahah)
Anyway, gumora kami sa Tagaytay for a Binyagan session ng pamangkin ng Jowa ng pinsan ko, basta ganun kami ang kanilang kamara de representantes bilang nasa Canada ang mag jowang yun. So eto na ang aking aurang outfit for that occassion.


Romper by H&M (wag mag panic, na achieve ko yan sale 350 aayaw pa ba ako eh nagkasya sa akin diva!)

Bag by Lacoste (birthday gift ni Mister na ginagamit ko lang pag special occassions, mahalia mendez kasi sya kaya dapat ingatan ng bonggels haha)

Shoes by World Balance - Easy Soft designs (murachi din 350, tapos soft sya keri na pang larga sa mga lakaran)

Watch by Morellato (oo na newbie! Di ko pa na aachieve yung may collage na naka zoom in ang mga accesories hahah soon ok soon...)

Cardigan by Ukay-Ukay (bilang mga panahon na lamig lamigan sa Tagaytay kaya keri ang mga ganitong postura, yung totoo! Oo na sleeveless kasi yung Romper eh hello di naman ako pumunta sa labanan ng brasuhan challenge kaya keep na muna natin sila hahaha! And murachi lang itey only 50 pesosesoses, nasa nagdadala lang yan)

Shades by Divisoria (wala ka sa uso kung wala na nito hahaha! Alam na this!)

That's it pansit (maipilit) for agad agarang updates sa mga ganap ko sa buhay nasa
IG at Twitter po ako: @MisisNikole (say hello kung napadaan kayo ok)

KtnxBye
#OOTDniMisis
#WIW (What I'm Wearing - pauso db! As if may pipick up haha!)
#PlusSizeFashion


About the Author

A chubby blogger who enjoys life and lives a life on the plus lane. A wife who is hoping and praying to be a mother soon. A positive person who still believes in the goodness of humanity.

Follow me and my adventures:
Facebook: fb.com/chubbychitchat
Instagram: MisisNikole
Twitter: @MisiNikole

Get Updates

Subscribe to our e-mail newsletter to receive updates.

Share This Post

Related posts

0 comments :

back to top